



Eusebia Paz Arroyo Memorial National High School
Relection
Reflection
Kung susumahin, sa loob ng sampong linggo o mahigit dalawang buwan, marami akong karanasan sa aking pagpapakitang-turo. Sa aking unang sabak sa pagtuturo, ay labis ang aking kaba nab aka hindi ko maituro ng maayos ang paksang aking tatalakayin. Inisip ko rin na kailangan kong isaalang-alang ang aking mga mag-aaral dahil sa hindi pa nila ako gaanong kilala at ganun rin ako, hindi ko pa sila gaanong kilala. Ngunit, dahil sa may natitira pa akong kaunting tiwala sa sarili ay pinangibabaw ko ang akig lakas ng loob at pagkakalma, at hindi ipinahalata ang kabang nararamdaman ko. Sa unang pagkakataon ay naisagawa ko rin at natalakay ng maayos ang unang paksang ibinigay sa akin.
Ang punong guro ng EPAMNHS na si Gng. Evelyn B. Fabrigas ay itinalaga si Gng. Leilani B. Mendez upang maging katuwang kong guro sa aking pagpapakitang-turo. Nagging maayos naman ang aming pagsasama at pagtutulungan. Siya ay mabait at masipag, ginagawa nya ang lahat upang tulungan ako. Ngunit mayroon kaming naging problema, ito ay ang paggamit nya ng wikang Filipino, dahil lingid sa inyong kaalaman siya ay guro sa asignaturang Ingles. Sa kabila nito, sinisikap nya naman na tulungan ako sa abot ng kanyang makakaya.
Ang mga suliraning kinaharap ko sa aking pagpapakitang-turo ay ang mga sumusunod;
-
Oras, dahil sa unang buwan palang naming sa paaralan ng EUSEBIA ay palagi ng mayroong mga mahahalagang kaganapan o gawaing pampaaralan na dinadaluhan ng mga mag-aaral at mga guro kung kaya, palaging naaantala ang araw ng klase. Lalo na sa aking parte dahil na sa ikaapat na taon ang aking hinahawakang klase kung kaya lagi itong apektado.
Isa pang dahilan kung bakit naging suliranin ko ang oras ay dahil kadalasan akong dumarating ng huli sa paaralan dahil sa mabagal na pag-usad ng mga sasakyang patungong Baao. Dahil rin sa may kalayuan ang distansya n gaming tahanan sa paaralan ng EUSEBIA.
-
Sanggunian, sa aking pakiwari’y hindi nabibigyang tuon ang pagkakaroon ng mga sangguniang aklat sa asignaturang Filipino, dahil sa aking pagtuturo ay isang photocopy ng aklat lamang ang akig ginagamit bilang batis ng aking tatalakayin sa bawat araw. Wala ring magamit ang mga mag-aaral sa pag-aaral ng kanilang mga leksyon.
-
Mag-aaral, mismong ang aking mga mag-aaral ang nagiging suliranin ko sa pagtuturo. Hindi sila gaanong nagpapakita ng respato noong una dahil sa hindi ako ang tunay nilang guro. Marami ang mga pasaway at ang mga lumiliban sa klase. Hindi nakikinig at hindi sumusunod sa mga utos.
-
Boses, ilang araw ko palang ng pagpapakitang-turo ay nawalan na ako ng boses. Medyo may kahinaan nga ang aking boses ngunit pinipilit ko itong marinig ng aking mga mag-aaral sa abot ng makakaya.
Mga napansin kong MALI sa aking pagtuturo.
Sa aking pagpapakitang-turo, napansin ko na kadalasan akong sumusobra sa nakalaang oras. Hindi ko namamalayan na tapos na ang isang oras ngunit hindi pa ako nakapagsasagawa ng ebalwasyon at nakapagbibigay ng takdang aralin. Kung kaya ipinagpapatuloy ko nalang ito sa sumunod na araw. Hindi na rin ako minsan nakapagbibigay ng pamantayan sa aking mga nakalaang Gawain. Hindi ko lubos masukat ang aking talakayan sa loob lamang ng isang oras. Masyadong mahahaba ang aking paksa at mahirap pang maunawaan ng mga mag-aaral. Kung kaya paulit-ulit ko itong tinatalakay kung saan ito rin ang dapat.
Sa pagbibigay naman ng marka ay inabot ako ng halos isang buwan bago koi to natapos dahil sa hindi agad pagpasa ng mga mag-aaral ng kanilang proyekto. Sa kabutihang palad, lahat naman ay nakapasa.
At syemre, hindi rin mawawala ang aking mga kalakasan at ang mga napansin kong TAMANG ginagawa ko sa aking pagpapakitang-turo.
Mga naging ko sa aking pagpapakitang-turo.
Isang malaking kalamangan para sa akin ang pagiging mag-aaral ko sa Filipino mula sa CBSUA dahil lahat ng aking natutuhan ay aking nagamit at naibahagi sa mga mag-aaral. Kahit na kulang ang mga sanggunian ay napupunan ko naman ito dahil sa aking mga nalalaman na natutuhan ko mula sa aking paaralan.
Kinawilihan ng aking katuwang na guro (cooperating teacher) ang paggamit ko ng mga matatalinhaga at malalalim na salita sa pagtuturo gayon din ang mga mag-aaral. Natutuwa rin sila sa mga epektibong estratehiya at pamamaraang aking ginagamit sa pagtuturo na natutuhan ko rin sa CBSUA. Maging ang mga pampasiglang gawain na nakakapagpabuhay sa aking klase at nakapageengganyo sa mga mag-aaral na making at makilahok sa klase. Hindi nagtagal ay nagkaroon na kami ng maayos at masiglang talakayan.
Mga napansin kong TAMA sa aking pagtuturo;
Sinusunod ko naman ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga bahagi ng Banghay-aralin at alam kong nagagawa koi to ng maayos. Nagkakaroon rin kami ng masiglang talakayan dahil sa mga estratehiyang ginagawa ko, sa paraang ito ay napapaunlad ko ang kaisipa ng mga mag-aaral sa pag-isip ng malawak at malikhain. Gayon din ang aking sarili ay napapaunlad ko rin.
Sa aking pananatili sa paaralan ng EPAMNHS, masasabi kong natamo ko kung anuman ang mga dapat kong matamo. Ito’y ang pagsasagawa ng mga pagpapakitang-turo (daily demonstration & Final demo) at ang pagsasagawa rin ng aming extension ang “Pagsasanay ng Kahusayan ssa pagbasa at pang-unawa ng mga mag-aaral na nasa ikapitong baiting (7-Apollo)”.
Napansin ko ring nagkaroon ng pag-unlad sa aking pakikipagkapwa-tao dahil sa pakikisalamuha ko sa mga guro at mag-aaral ng EPAMNHS. Nagkaroon kami ng maayos na pagsasama dahil sa maayos ang pakikitungo, pagtrato at pagtanggap nila sa akin. Mayroon ring ilang aktibiti at mga programa ang naganap sa paaralan sa panahon n gaming pananatili dito. Ito ay ang mga sumusunod;
Noong nakaraang Nobyembre 28, 2014, sa ganap na ika-3:00 n.h. ay isinagawa ang “Book Week” na may temang “Nasa pagbasa ang pag-asa” kasabay nito ang “Career Guidance” ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon kung saan nagsilbi kami bilang faciliteytor sa mga naganap na gawain. Kasunod nito ay ang “4th Regional Patiribayan Festival” noong nakaraang Desyembre 15-17, 2014. Ang paaralan ng EPAMNHS ay nagsilbing tuluyan ng mga kinatawan ng iba’t ibang paaralan mula sa Sorsogon District at Camarines Sur District. Kami ay naatasang umalalay sa paghahain ng pagkain ng mga bisita at pag-aayos ng kanilang tutuluyan. Bago naman magbakasyon ay nagsagawa ang banda (DLC) ng paaralan ng carolling sa iba’t ibang barangay na malapit sa paaralan. Kami ay naimbitahang sumama at ito naman ay aming pinaunlakan at ikinatuwa. Sa pagpasok naman ng buwan ng Enero at unang lingo ng pasukan ay nagkaroon ng “Secondary Schools Festival of Culture & Arts” na may temang “Kultura at Sining ng pagkakaisa” na ginanap noong Enero 9, 2015.
At ang aming huling buwan ng pananatili sa paaralan ng EPAMNHS ay nagkaroon ng iba’t ibang programa ang paaralan. Una ay ang paglahok sa “Love Run 2015” noong Pebrero 14, 2015. Kasunod nito ay ang JS Prom ng mga nasa ika-9 na baiting at ikaapat na taon sa kanilang mga magaganda at magagarang ayos. Kami ay naimbitahang dumalo rito. Ito’y ginanap noong Pebrero 20, 2015. At ang huli ay ang kanilang MAPEH DAY noong Pebrero 27, 2015, kung saan hindi lamang ako nagsilbing manonood kundi naging kabilang rin ako sa mga nagtanghal. Hindi ko man inaasahan iyon na tutugtog ako ng gitara ngunit akin na ring pinaunlakan ang paanyaya ng ilang mga mag-aaral at iyon naman ay ikinatuwa ng mga guro doon.